Dinadiawan Escapade.

Isa sa pinaka di ko makakalimutang lugar to, haha. :)
May 20, 2012 Nagbakasyon kami jan, as in super ganda. :O White sand pa, overnight kaming magpapamilya jan. :) Bonding bonding ganun. :>
Grabe daming hirap ang nadaanan namin bago makarating jan haha! As in liko liko yung dinaanan namin pa letter S lahat, kakatakot haha! Medyo nasusuka na nga’ko nun eh di kasi van sinakyan namin kundi jeep Hahaha Ansayaaa. :D 5 hrs ata kami bumyahe Isabela to Aurora, ambagal kasi nung sasakyan di kasi masyado sanay yung driver namin sa daan dun at 1st time din raw nya pumunta dun. :)
Pagkatapo ng 5 hrs na byahe nakarating narin sa Wakas! Hahahaha. xD
Nagpahinga lang saglit eh lumusong na agad sa dagat haha! xD
Di kami Excited enebeee! xD

Tas yun, nagbabad sa dagat hanggang hapon haha! :)) btw, ako yung naka Superman, da pa kasi sana ako maliligo nyan nun binasa lang ako. :/ Hahaha!Tas nung kinahapunan nilibot namin yung buong beach, as in ganda. :) Dami pang Crabs na maliliit, grabe hirap humuli ang bilis nila haha parang the flash lol! xD
Tas nung kinagabihan eh, nag ihaw kami ng isda ganun. Daming pagkain. :D

Tagapaypay ako ng inihaw na isda haha! Sipag ko no? xD
Naglalaro kami jan nun eh, bigla akong tinawag para magpaypay lang tsk. :/ Hahahaha! Tas pagkatapo namin kumain nagkakanya na ng ginagawa haha! yung iba umiinom, naglalaro ng baraha tas kami nang huhuli ng Talangka! HAHAHA! Kakabwisit lang mang huli ay ambilis tumakbo huhuhu. :(((((

Tapos eto naman yung time na di ako masyado makatulog kasi masakit yung tuhod ko, haha! As in parang hinuhukay sa loob! tae! :/ Kaka-volleyball ko kasi tas pagkatapos maglaro eh babad agad sa dagat, tinatawanan nga nila ako nun eh puta! Sabi nila matanda na raw ako hahhaa! Di pa ako makalakad ng mabuti nun pakshit! :< Hahaha iika-ika nga ako nun eh! Hahaha! Nagising pa’ko nun ng madaling araw, umiiyak talaga ako nun haha puta. :/ sakit ng tuhod ko eh. Tawang tawa pa sila kasi para daw akong batang inagawan ng lollipop! Bastoos! hahaha. Ambabait ng mga pinsan ko nu? kahit tulog pini-picturan?! hahaha Tae!

Ang masaklap pa di ako nakasamang mag bonfire. :((((( Huhuhu. Madaling araw kasi sila nag bonfire, nag ihaw sila ng Hotdog na may Marshmallow tapos kwentuhan daw magdamag. Wrongtiming pa tuhod ko kasi ay puta! :/ Dami nilang kinuwento kina umagahan Mang inggit ba? :/ Hahah!

Tapos kinaumagahan, medyo okay na tuhod ko pwede na ulit hahah! :)
Pagkagising, kumain lang ng umagahan naligo ulet sa dagat haha! :D
Picture dito Picture dyan nanaman haha. :)

Hahaha ansabe ng likod ko? xD
Tas yun nagbabad ulet hanggang 12 haha. :) Tas pagkatapos nun naghanda na kami para umuwi. Dun kami kumain sa ilog na mababaw as in ang ganda ang linaw paaa. ♥

Tas nung pauwi na kami merong di inaasahang mangyare. :/
Nabutas yung kwan ng oil sa jeep. (Di ko nga lam yung tawag dun! haha) Tas umuulan pa nun may kasunod ma kaming malaking truck nun, eh kaya nung luglugin yung daan. Tyaka sabi ng papa ko eh di magandang bumyahe pag umuulan dun madulas kasi yung daan tas mabagal pa yung jeep. :/ Tyaka Bago pa Masira yung lalagyan na oil sa jeep eh may nakita kaming bayawak. Sasagasaan nga dapat namin eh kakain daw nila hahah! Eh yun ang nasagasaan lang eh yung buntot, eh masama daw ata yun? Tapos pinilit nung driver na kaya pa ng jeep. Tapos biglang tumirik yung jeep namin sa bundok, wala pang signal nun. Tyaka nakakatakot yung lugar. :/ Dami dami na nga naming naiimagine nun eh. Hahaha!
2:00 tumirik yung jeep na sinasakyan namin, malayo pa ang isabela. Medyo nagpapanic na sila nun kasi nga walang pwedeng ma contact kasi walang signal, naglakad lakad yung ibang pinsan namin para maghanap ng signal, tas yung isang pinsan ko eh nakisakay dun sa bus na papuntang isabela para may macontact na mang hila sa jeep namin. Eh ako naman natulog nalang ako haha, tapos mga 5:00 na nun mag 6 na eh di pa din kami nakaka alis nun padilim na. Tapos nabalitaan pa namin na yung Pinagtirikan ng jeep namin eh, ang katabi lang eh Sementeryo ng mga igorot, puta! Kinikulabutan ako nun ayy di ko na nga lam gagawin ko nung nalaman ko yun eh. Gustong gusto ko ng umuwi nun! May mga sabi sabi pa ngang pag may narinig ka daw na tumawa eh MAKITAWA ka rin daw! :/ Kakatakot shit! :<
Tyaka bago namin malaman na simentero yun eh sabi pa ng asawa ng pamangkin ko nun eh ganda daw ng mga bulaklak sa taas ng bundok parang ginarden daw! Parang dating may nakatira! :((((((((((( Tas nagulat sya nung sinabeng sementeryo yun!
Mag 9 na ata nung dumating yung jeep na naghila sa jeep namin, di ako masyado mapakali nun sa bundok na yun! :/ Creepy! Eh yung mga pinsan ko namang mga shunga nagpipicturan pa sa labas haha!

Para narin kaming nag camping nun sa katakot na lugar hahaha!!! xD
Unforgettable Moment yun para saming lahat haha! Imagine ang ganda ng nangyare nung papunta kami, puros gaguhan sa jeep tas nung pauwi wala na! hahaha!
Tas yung pinaglipatan naman naming isang Jeep eh parang papatayin na kami puta! haha, Idaan ba naman sa pinaka gilid ng bangin! Natawag ko na ata lahat ng santo nun! hahaha! May Soundtrip pa, yung tugtog eh yung “di ko kaya, di ko kayang ako ay iwan moooo~” Hahahahah! Para kaming naka sakay sa Roller Coaster nun. xD
Pero sa awa ng Diyos nakarating naman kami ng Isabela ng Maayos, yung walang nasaktan, kahit na ganun yung nangyare samin nung pauwi na. :)